Sweldo ng mga health worker sa Bicol delayed mula noong nakaraang buwan

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2019 - 07:07 PM

Pansamantalang nakabinbin ang sweldo ng halos 1,000 health workers sa iba’t ibang bayan sa Bicol dahil sa delayed na pondo.

Ayon sa Department of Health (DOH), hindi muna ibinigay ang sahod ng mga health workers sa Bicol dahil hindi pa lumalabas ang pondo para sa kanilang sweldo mula December 2018.

Ayon kay DOH-Bicol acting director Ernie Vera, ang apektadong health workers ay mag nurse at midwives na nakatalaga sa mga bayan sa rehiyon.

Dahil anya sa delay ng pondo para sa kanilang sahod ay pansamantala munang hindi magtatrabaho o magbibigay serbisyo ang mga health workers sa kanilang mga lugar.

Inabisuhan na anya ang health workers na wala muna silang service deployment epektibo noong miyerkules hangga’t hindi pa lumalabas ang pondo para sa unang kwarter ng taon.

Nasa P70 million kada buwan ang pondo para sa sweldo ng nasa isang libong health workers na nasa ilalim ng job contracts.

Ang sahod ng health workers ay nasa pagitan ng P20,000 at P31,000.

TAGS: Bicol, department of health, health workers, Salary, Bicol, department of health, health workers, Salary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.