48% Filipinos naniniwalang matutupad ang mga pangako ni Pang. Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2019 - 06:22 PM

Naniniwala ang 48 percent ng mga Filipino na matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga pangako base sa Dec. 2018 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na ginawa mula Dec. 16 hanggang 18, lumitaw na sa nasabing porsyento, 13 percent ang naniniwalang kayang tuparin ni Duterte ang “halos lahat ng kaniyang mga ipinangako” habang 35 percent naman ang naniniwala na kayang tuparin ng pangulo ang “karamihan sa kaniyang mga pangako”.

Six percent ang nagsabi na walang matutupad sa mga pangako ni Pangulong Duterte at 46 percent naman ang nagsabi na konti lang sa kaniyang mga pangako ang matutupad.

Ang resulta ng Dec. 2018 survey ay mas mataas kumpara sa March 2018 survey ng SWS kung saan nakapagtala ng 46 percent.

Sa ginawang survey, kinapanayam ang 1,440 na mga respondent sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

TAGS: Rodrigo Duterte, SWS, Rodrigo Duterte, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.