Isang party-list group na diniskwalipika ng Comelec, naghain ng petisyon sa SC
Naghain ang MANGGAGAWA party-list ng petisyon sa Korte Suprema laban sa diskwalipikasyon sa kanila ng Commission on Elections o Comelec.
Nauna ang nagpasya ang poll body na huwag patakbuhin ang MANGGAGAWA party-list sa May 2019 midterm elections matapos mabigong ilagay sa kanilang application for registration na hindi sila pinopondohan ng gobyerno.
Sumugod ang party-list group sa Supreme Court ngayong Biyernes, bitbit ang kanilang mga placard at banner, upang kondenahin ang pagkaka-diskwalipika sa kanila ng Comelec.
Hirit nila sa Korte Suprema, maglabas ito ng preliminary injunction at temporary restraining order o TRO para utusan ang Comelec na ibalik sila bilang lehitimong party-list organization.
Giit ni Bong Labog, 1st nominee ng MANGGAGAWA party-list, nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion’ ang Comelec nang hindi isama ng polly body ang kanilang grupo sa opisyal na listahan ng mga kandidato.
Mali rin aniya ang interpretasyon ng Comelec na hindi sila nakasunod sa mga itinakdang requirement at wala silang malinaw na pinagkukunan na pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.