Gwardya sa NAIA isinauli ang wallet na nahulog mula sa isang Korean national

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2019 - 03:03 PM

MIAA Photo

Isang tapat na gwardya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pinapurihan dahil sa pagsasauli ng nahulog na wallet ng isang dayuhang pasahero.

Nalaglag mula sa Korean national na si Kangho Yoon, ang kaniyang wallet sa bahagi ng NAIA Termina 1 nang siya ay paalis ng bansa sakay ng Jeju Air flight 7C 2306 patungong Incheon.

Nakita naman ito ng security guard na si Reno Erenea dakong alas 10:25 ng gabi ng Huwebes, (Jan. 17).

Ang wallet ay naglalaman ng P24,950 at 181,000 Korean won at mga mahalagang ID.

Agad inindorso ni Erenea sa Terminal Police Office ang wallet at hiniling din niya sa Paging Section na ipanawagan ang pangalan ng may-ari ng wallet para makuha ito.

Natuwa naman si Yoon nang maibalik sa kaniyang ang wallet at mga laman nito.

Pinasalamatan ni MIAA General Manager Ed Monreal si Erenea dahil sa kaniyang ipinakitang katapatan.

TAGS: honest guard, MIAA, NAIA, honest guard, MIAA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.