LOOK: Ilang lansangan isasara bukas, Jan. 19 at sa Linggo, Jan 20
Ilang kalsada ang isasara bukas, araw ng Sabado, Jan. 19 at sa Linggo, Jan. 20 kaugnay sa Sto. Niño de Tondo Fiesta at Buling-Buling Fiesta.
Sa abiso ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bukas, araw ng Sabado isasagawa ang Lakbayaw Festival.
Dahil dito, mula alas 6:00 ng umaga, isasara na ang mga kalsada na daraanan ng parada mula at pabalik sa Sto. Niño Church sa Tondo.
May isasagawang parada para sa Buling-Buling Fiesta na magsisimula sa Liwasang Bonifacio patungo sa Sto. Niño Church.
Dahil dito, mula alas 12:00 ng tanghali, sarado na ang sumusunod na mga kalsada:
– Jesus St. / Nagtahan
– East Zamora St. / Pres. Quirino Ave.
– P. Gil St. / Carreion St.
– T. Claudio St. / Beata St,
Payo ng traffic bureau, ang msa sasakyan na dadaan ng Jesus St. galing Nagtahan ay kailangang dumeretso na lang sa Pres. Quirino.
Kung galing sa Valenzuela at magtutungo sa Zamora Bridge, kakaliwa sa Carreon St., kanan sa P. Gil St., at diretso sa Quirino Ave.
Kung magtutungo naman ng Zamora at kung galing P. Gil patungo sa Carreon ay sa Pres. Quirino na lang din padadaanin ang mga sasakyan.
Lahat naman ng sasakyan na dadaan sa Beata St. ay padaraanin na lang sa Zamora Bridge patungong Sta. Mesa.
Samantala, sa Linggo naman, Jan. 20, isasara mula alas 2:00 pa lamang ng madaling araw ang mga kalsadang daraanan ng Sto. Niño Grand Procession.
Magsisimula sa Sto. Niño Church ang prusisyon at daraanan sa mga kalsada sa Tondo bago bumalik muli ng simbahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.