Malacañan: Andal posibleng puyat kaya inakalang inutusan na magsagawa ng back channel talks sa CPP

By Chona Yu January 18, 2019 - 12:01 AM

Maaring puyat o inaantok lamang si MTRCB Board member Billy Andal kung kaya inakala nitong inutusan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng back channel talks kay Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailanman ay hindi binigyan ng awtorisasyon ni Pangulong Duterte si Andal na makipag-usap kay Sison.

Hindi naman matukoy ni Panelo kung totoo ang nagging pahayag ni Andal na ginawa ng pangulo ang utos sa kanya na makipag-usap kay Sison sa isang lamay.

Ayon kay Panelo, base sa ginanap na AFP-PNP joint command conference sa Malacañang, localized peace talks ang paiiralin ng administrasyon sa rebeldeng grupo.

TAGS: back channel talks, communist party of the philippines, Presidential spokesman Salvador Panelo, back channel talks, communist party of the philippines, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.