Ilang economic leaders na dumalo sa APEC summit nakaalis na ng bansa
Nakaalis na ng bansa ang ilang economic leaders na dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.
Kabilang sa mga nakaalis na ng bansa ay sina Chinese President Xi Jinping na siyang nagtulak ng bagong Asia-Pacific Free Trade Pact.
Nakaalis na rin si Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, Mexican President Enrique Pena Nieto at Vietnamese President Truong Tan Sang.
Paalis na rin ngayong gabi si Hong Kong Chief Executive Cy Leung kasama ang mga delegado ni Chinese President Xi.
Samantala, sa kanyang talumpati kanina ay sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na nagpahayag ng suporta ang iba’t-ibang mga lider sa TPP o Trans-Pacific Partnership, pagsugpo sa terorismo at pagpapalakas ng ekonomiya ng mga APEC-member countries.
Inisa-isa rin ng Pangulo ang mga ipinangakong tulong para sa bansa ng ilang mga lider tulad na lamang ni U.S President Barack Obama na nangakong magbibigay ng dalawang barko para sa Philippine Navy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.