Bishop Villegas pinayuhang huwag makisawsaw sa trabaho ng gobyerno
“Tumigil na kayo sa pakikialam sa trabaho ng estado”.
Ito ang payo ng Malacañang sa mga kagawad ng simabahang katolika sa panibagong banat ni Lingayen- Dagupan Archbishop Socrates Villegas na mas nababahala umano siya sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaysa sa mga batikos ng punong ehekutibo sa mga obispo.
Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bagaman freedom of expression o bahagi ng malayang pamamahayag, hindi na dapat na panghimasukan o pakialaman ng mga obispo ang mga pamamaraan ng gobyerno sa mga programa na naglalayong bigyan ng kabutihan ang taong bayan.
Ayon kay Panelo, kung totoong nababahala si Archbishop Villegas sa pangulo,ay dapat na ipagdasal at tulungan ang punong ehekutibo sa halip na batikusin ang mga programa nito.
Sinabi pa ni Panelo kung toong “men of cloth” ang mga pari ay dapat na mag focus sila sa spiritual awakening sa mga mananampalataya at hindi ang makisawsaw sa pulitika.
Kamakailan ay hinamon rin ni Bishop Teodoro Bacani ang pangulo na maglakad sa lansangan nang walang kasamang bodyguard bagay na sinagot rin ng Malacañang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.