Pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila ngayong buwan, naitala ng PAGASA

By Rose Cabrales January 17, 2019 - 09:19 AM

Naitala ng PAGASA ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila ngayong buwan ng Enero.

Ayon sa PAGASA, alas 7:50 ng umaga ng Huwebes, Jan. 17, pumalo sa 19.0 degrees Celsius ang temperatura na naitala sa Science Garden sa Quezon City.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Benny Estareja, ito na ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila para ngayong Enero 2019.

Bahagya namang tumaas ang temperatura sa Baguio City. Alas 5:00 ng umaga ay naitala ang 14 degrees Celsius sa Baguio, mas mataas kumpara sa 12.8 degrees Celsius na naitala kahapon ng umaga.

Sa Tuguegarao City naman, 19 degrees Celsius din ang naitala ng PAGASA dakong alas 7:50 ng umaga.

TAGS: Metro Manila, Pagasa, Temperature, weather, Metro Manila, Pagasa, Temperature, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.