Aplikasyon ng Pilipinas na pagtatayo ng embahada sa Sri Lanka mamadalin
Tiniyak ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena na mamadaliin ng kanyang administrasyon ang pagpapatayo ng Embahada ng Pilipinas sa kanilang bansa.
Sa expanded baliteral meeting kagabi nina Sirisena at Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang, sinabi ng lider ng Sri Lanka na highly instrumental ang pagkakaroon ng embahada ng Pilipinas sa Sri Lanka.
Maraming Filipino kasi aniya ang nakabase sa Sri Lanka.
Kasabay nito, inimbitahan ni Sirisena si Pangulong Duterte at Honeylet Avancena na bumisita sa Sri Lanka.
Ayon kay Sirisena, makasaysayan ang magiging pagbisita ni Duterte sa Sri Lanka kung saka sakali dahil ito ang unang state visit ng isang lider ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.