Tulong sa Hanjin workers pinatitiyak ni Sen. Win Gatchalian
Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa gobyerno partikular na sa Department of Labor and Employment ( DOLE) na tulungan ang libu-libong manggagawa na maaapektuhan ng posibleng pagsasara ng Hanjin Shipyard sa Subic, Zambales.
Sinabi ni Gatchalian dapat na mabigyan ng economic at livelihood assistance ang mga manggagawa na mawawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng ship building company.
Hinikayat din ng senador ang DOLE na tiyakin sa Hanjin na makakakuha ang mga manggagawa ang lahat ng kompensasyon at benepisyo ayon sa Labor Code kahit pagkalugi ang sinasabing dahilan ng pagsasara ng kompaniya.
Iminungkahi rin ng senador sa DOLE na pag-aralan kung maari bang i-absorb ang mga maapektuhang manggagawa sa mga proyekto ng gobyerno tulad sa build build build projects dahil karamihan sa mga ito ay maituturing na skilled workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.