Mga labi ng Filipino couple na nalunod sa Maldives, dadalhin na sa Sri Lanka
Dadalhin sa Sri Lanka upang i-embalsamo ang mga labi ng bagong kasal na Filipino couple na nalunod sa Maldives sa kasagsagan ng kanilang honeymoon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, sinabi ng Philippine Embassy sa Dhaka na aalis ng Colombo ang mga labi nina Leomer Lagradilla at Erika Joyce alas-12:50 ng hatinggabi ng Miyerkules.
Isang kaanak ng couple ang kasama sa flight ayon kay Philippine Ambassador to Dhaka LV de Guzman.
Tumutulong umano ang Philippine Honorary Consulate sa Male para iuwi ang mga labi ng mag-asawa.
Ini-enjoy lamang ng mag-asawa ang snorkeling sa Dhiffushi Island nang sila ay malunod noong Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.