Mayor Baldo kinasuhan na ng PNP-CIDG sa Ombudsman

By Isa Avedaño-Umali January 15, 2019 - 05:53 PM

FB photo

Nagsampa na ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG ng administrative charges sa Office of the Ombudsman laban kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Ang alkalde ang itinuturo na mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe at police escort nito na si SPO2 Orlando Diaz sa Barangay Burgos, sa bayan ng Daraga noong December 22, 2018.

Two-counts ng murder at six-counts ng multiple frustrated murder ang isinampa ng PNP-CIDG kontra kay Baldo sa anti-graft body na pinamunuan ni Ombudsman Samuel Martires.

Bukod dito, nahaharap pa si Baldo sa kasong graft and corruption dahil sa umano’y paggamit ng pondo ng bayan para magpasweldo o magkapagbayad sa mga confidential staff na mga ghost employee pala, sa ilalim ng Office of the Municiapl Mayor.

Nauna nang itinanggi ni Baldo na siya ang nagpapatay sa kanyang katunggali sana sa mayoralty race sa Daraga na si Batocabe.

TAGS: baldo, batocabe, CIDG, Daraga, ombudsman, PNP, baldo, batocabe, CIDG, Daraga, ombudsman, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.