Court employee ng nang-rape sa loob ng hall of justice sinibak ng SC
Pinatawan ng Korte Suprema ng pinakamabigat na parusang pagkakasibak sa serbisyo ang isang court employee dahil sa gross misconduct matapos nitong gahasain ang isang -14 anyos na bata sa loob mismo ng Hall of Justice.
Sa pasya ng Supreme Court, hindi na rin matatanggap ng court employee na kinilalang si Edgardo Salazar ang kanyang retirement benefits at higit sa lahat ay hindi na siya maaring makapagtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.
Si Salazar ay isang Construction and Maintenance General Foreman ng isang Hall of Justice.
Nangyari ang panggagahasa noong Setyembre 2007, matapos silang magkakilala ng kanyang biktima sa social media.
Inimbitahan ni Salazar ang biktima kasama ang mga pinsan nito sa Hall of Justice subalit inutusan ang mga pinsan nito na bumili ng makakain.
Naiwan si Salazara at ang biktima sa maintenance room ng Hall of Justice kung saan nangyari ang panggagahasa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.