Footbridge sa EDSA-Kamuning na tinaguriang “stairway to heaven” dahil sa mataas na disenyo, muling binuksan
Binuksan na muli ng Metropolitan Manila Development Authority ang footbridge sa EDSA-Kamuning na tinaguriang “stairway to heaven” dahil sa disenyo nitong napakataas.
Binago ang disenyo ng footbridge at nilagyan ng landing areas na pagkakataon para makapagpahinga ang mga paakyat na tumatawid.
Isinara ng MMDA ang naturang footbridge na may halagang P10 milyong piso at matatagpuan sa Sct. Borromeo kanto ng EDSA para i-redesign.
Ito ay makaraang batikusin ng publiko ang napakataas na disenyo nito.
Tinataya kasing 9 meters o 30 feet high ang disenyo nito na katumbas na ng tatlong palapag na gusali.
Maliban sa “stairway to heaven”, nabansagan din itong “Mt. Kamuning” at ginawan ng maraming memes sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.