Sinibak na Hepe ng Bacolod City police, bibigyan ng due process – Malakanyang
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na bibigyan pa rin ng due process ng Malakanyang si Bacolod chief of police, Senior Supt. Francis Ebreo at apat na iba na sinibak sa pwesto dahil sa pagiging protektor ng sindikato ng ilegal na droga.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, may prosesong administratibo na kinakailangang sundin bago matanggal sa serbisyo ang isang pulis.
Malinaw naman aniya ang polisiya ng administrasyon na bibigyan ng tsansa ang sinumang opisyal ng pamahalaan na makapagbigay ng kanyang panig.
Matatandaang hindi natuloy ang paghaharap nina Pangulong Duterte at Ebreo sa Malakanyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.