Palasyo, handang makipag-dayalogo sa Simbahang Katolika

By Chona Yu January 14, 2019 - 11:55 PM

Bukas pa rin ang Palasyo ng Malakanyang na makipag-dayalogo sa mga kagawad ng Simbahang Katolika.

Ito ay para maayos na ang palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga obispo.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pag-depensa lamang sa sarili ang ginawa ng pangulo nang banatan ang mga obispo.

Matatandaang noong Hunyo ng nakaraang taon, bumuo ang pangulo ng komite na naatasang makipag-dayalogo sa mga kagawad ng Simbahang Katolika pero wala namang nangyari.

Ayon kay Panelo, hindi kasi dapat na gamitin ng mga obispo ang pulpito para banatan ang pangulo.

Kung ginagamit aniya ng mga obispo ang pulpito ay gagamitin din ng pangulo ang kanyang tanggapan para buweltahan ang mga bumabatikos sa kanya.

TAGS: Palasyo ng Malakanyang, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, Simbahang Katolika, Palasyo ng Malakanyang, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, Simbahang Katolika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.