2 sugatan sa pamamaril sa Zamboanga City kahit may gun ban
Sa kabila ng pagpapatupad ng gun ban para sa May 13 midterm elections, dalawa ang nasugatan sa pamamaril sa Zamboanga City Lunes ng hapon.
Ayon kay Senior Inspector Shellamae Chang, spokesperson ng Zamboanga City Police Office, sugatan sina Romeo Muhay, 61 anyos, at Joshua Gonzlaes, 31 anyos.
Naganap aniya ang pamamaril sa Governor Alvarez Street na malapit sa Universidad de Zamboanga.
Ang suspek sa pamamaril ay nakilalang si Jeffrey Sali pero hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo nito.
Sinabi ni Chang na ito ang unang insidente ng pamamaril na naitala sa lungsod mula nang simulan ng Comelec ang gun ban noong January 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.