Motion for reconsideration nina Andaya, Napoles para ibasura ang kanilang kaso, hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan

By Erwin Aguilon January 14, 2019 - 07:07 PM

Hindi na maaring umapela sa Sandiganbayan si House Majority leader Rolando Andaya Jr. at ang convicted plunderer na si Janet Lim-Napoles para ibasura may 194 criminal charges na inihain laban sa kanila na may kaugnayan sa P900 milyong Malampaya fund scam.

Base sa 74 pahinang resolusyon ng Sandiganbayan third division, pinal na nitong ibinasura ang lahat ng motions for reconsideration ni Andaya, Napoles at iba pang kapwa nila akusado ay denied dahil sa kawalan ng merito.

Itinakda naman ng Sandiganbayan ang arraignment nina Andaya at Napoles sa Biyernes, Enero 18, dakong 8:30 ng umaga.

Ibinasura rin ang mga katulad na apela nina dating Department of Agrarian (DAR) secretary at ngayon ay Masui City, Lanao del Sur Mayor Nasser Pangandaman at mga anak nina Napoles na sina James Christopher at Jo Christine.

Sina Andaya, Napoles at mahigit 20 iba pang nakasuhan para sa 97 bilang ng kada paglabag sa Section 3 ng Anti-graft and corrupt practices act at malversation of public funds through falsification of public documents.

Nag-ugat ang kaso mula sa umano’y diversion ng pondo mula sa Malampaya natural gas projects para sa relief operations, rehabilitation at reconstruct ng mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.

TAGS: janet lim-napoles, Malampaya fund scam, Rep. Rolando Andaya Jr., sandiganbayan, janet lim-napoles, Malampaya fund scam, Rep. Rolando Andaya Jr., sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.