Duterte, Simbahang Katoliko susubukang pag-ayusin ni Sotto

By Jan Escosio January 14, 2019 - 06:25 PM

Kumilos na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III para maplantsa na ang tila palala nang palala na gusot sa pagitan nina Pangulong Duterte at ng Simbahang Katoliko.

Ayon kay Sotto, nais niyang magkaroon ng dayalogo sa pagitan nina Pangulong Duterte at pamunuan ng Simbahan kaya’t may mga nilapitan na siyang mga kaibigan para siya ay tulungan.

Aniya, nais niya munang malaman ang posisyon ng Simbahan at sa unang pagkakataon na makaka-usap niya si Pangulong Duterte ay babanggitin niya ang kanyang plano.

Aminado si Sotto na marami na ang hindi komporable sa bangayan ng dalawang panig.

Paglilinaw naman nito na sa kanya ay subok lang at aniya wala naman mawawala sakaling hindi matuloy ang kanyang plano.

TAGS: Rodrigo Duterte, Simbahang Katoliko, Vicente Sotto III, Rodrigo Duterte, Simbahang Katoliko, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.