Cong. Andaya hiniling sa SC na atasan si Diokno na ipatupad na ang 4th tranche ng salary increase sa gobyerno
Nagtungo sa Korte Suprema si House Majority Leader Rolando Andaya, Jr., para maghain ang petition for Mandamus.
Sa kaniyang petisyon hiniling ni Andaya sa Supreme Court na atasan si Budget Secretary Benjamin Diokno na ipatupad na ang 4th tranche ng salary standardization law na magtataas sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno ngayong Enero.
Ayon kay Congressman Andaya, hindi maaring ikatwiran ng budget secretary na ang hindi pa naipasang 2019 national budget ang hadlang para sa pagpapatupad ng 4th tranche ng SSL.
May bahagi anya sa reenacted budget na maaring mapagkunan ng higit P40 billion na pondo para sa SLL.
Dagdag pa ni Andaya, isa lamang sya sa maraming petitioner na empleyado ng iba’t ibang sangay ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.