Tropical Storm Infa posibleng pumasok sa bansa
Posibleng pumasok sa bansa sa susunod na linggo ang Tropical Storm na may international name na ‘Infa’.
Ang bagyong Infa ay nasa labas pa ng bansa at huling namataan sa layong halos 3,000 kilometers East ng Mindanao.
Ayon PAGASA Forecaster Shelly Ignacio, masyado pang malayo ang nasabing bagyo para matukoy ang eksaktong araw ng pagpasok nito sa bansa.
Pero nasa 60% aniya ang tsansa na ito ay papasok sa Philippine Area of Responsibility.
Maari pa ring lumakas ang Tropical Storm Infa bilang isang Typhoon.
Sa sandaling makapasok sa PAR, ay papangalanan itong ‘Marilyn’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.