Tail-end of a cold front at Amihan, nakakaapekto sa bansa
Lumakas at umiihip na ang Hanging Amihan sa halos kabuuan ng bansa kasabay ng pag-iral ng tail-end of a cold front sa eastern section ng Mindanao.
Ang tail-end of a cold front ay ang pagsasalubong ng mainit na hangin at malamig na hangin mula sa Amihan.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa SOCCKSARGEN at Davao Region dahil sa tail-end of a cold front.
Ibinabala ng weather bureau ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa paminsan-minsan ay may kalakasan na pag-ulan.
Mararanasan naman ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maganda ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pulo-pulong buhos ng ulan.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang sama ng panahon sa layong 3,240 kilometro Silangan ng Mindanao.
Inaasahan itong papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) araw ng Biyernes o Sabado.
Sakaling maging ganap na itong bagyo ay tatawagin itong Bagyong ‘Amang’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.