Halos 130 na dayuhan, hinarang ng BI sa taong 2018

By Angellic Jordan January 13, 2019 - 04:20 PM

Umabot sa 133 na dayuhan ang hinarang ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng Pilipinas sa taong 2018.

Sa ulat kay Commissioner Jaime Morente, sinabi ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina na ito ay bunsod ng pagiging bastos at walang respeto ng mga dayuhan sa mga BI officer.

Mas mataas ito nang bahagya sa naitalang 129 na bilang noong 2017.

Nanguna sa listahan ng mga hinarang na dayuhan ay mga Chinese na may 37 katao, mga Amerikano na may 25 at South Koreans na may 23 na katao.

Dahil dito, ang mga naturang dayuhan ay isinailalim sa immigration blacklist at hindi na maaaring makabalik ng Pilipinas.

Kasunod nito, inabusihan ni Medina ang mga dayuhan na iwasang maging bastos at gumamit ng mga hindi desenteng pananalita para insultuhin ang mga immigration officer.

Aniya pa, ang pagpunta at pananatili ng mga dayuhan sa isang bansa ay isa lamang pribilehiyo at hindi karapatan.

TAGS: Commissioner Jaime Morente, Commissioner Jaime Morente

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.