Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol
By Angellic Jordan January 13, 2019 - 04:09 PM
Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Davao Oriental, Linggo ng umaga.
Batay sa impormasyon mula sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 148 kilometers Southeast ng Governor Generoso dakong 3:26 ng hapon.
May lalim ang lindol na 38 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian sa lalawigan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.