LPA sa Mindanao, posibleng maging bagyo at papasok sa PAR sa susunod na linggo

By Len Montaño January 12, 2019 - 09:04 PM

Minomonitor ng Pagasa ang bagong low pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo at papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Sabado ng gabi, namataan ang LPA 3,400 kilometro sa Silangan ng Mindanao.

May posibilidad na maging ganap na bagyo ang naturang sama ng panahon sa susunod na 3 araw at papasok sa bansa sa Huwebes (January 17) o Biyernes (January 18).

Ayon kay Pagasa weather specialist Benison Estareja, papangalanang “Amang” ang LPA oras na maging bagyo.

Hindi direktang nakakaapekto ang LPA sa bansa pero ang trough o extension nito ay magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao.

Samantala, ang hanging Amihan ang inaasahang makakaapekto pa rin sa Luzon at Visayas.

Sa susunod na 24 oras, maulap na panahon ang iiral sa Bicol Region na may mahinang ulan dahil sa northeast monsoon.

Para naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, asahan din ang maulap na panahon na may isolated light rains.

Parehong panahon ang iiral sa ilang bahagi ng Viasaya partikular sa eastern Visayas dahil pa rin sa amihan habang asahan din ang maulap na panahon sa Central at Western Visayas.

 

 

 

 

 

 

TAGS: amihan, Bagyo, LPA, Pagasa, Trough of LPA, amihan, Bagyo, LPA, Pagasa, Trough of LPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.