“Look at a day when you are supremely satisfied at the end. It’s not a day when you lounge around doing nothing; it’s when you’ve had everything to do, and you’ve done it” – Margaret Thatcher
Bagamat nagiging biruan lang ang kadalasang sinasabi na “galaw-galaw pag may time” – may pinag-mumulan pala ito.
Sinasabi kasi ng mga health expert, nakapagpapa-ikli pala ng buhay ang palaging nakaupo.
Ayon sa isang Orthopedic Surgeon at Sports Medicine Specialist — kung anim na oras o higit pa na naka-upo sa bawat araw “risk factor” daw ito sa sari-saring sakit o karamdaman at prone sa sakit na diabetes, heart diseases at cancer.
Ang resulta daw ng pag-aaral ay naging eye opening sa marami lalo na kung ang trabaho mo ay sa opisina at nakaharap sa computer. (Kaya pala maraming nasa media ang may problema sa puso at hypertensive.)
Pero ito din ang magpapatunay na maraming nagtatrabaho sa opisina at nakaharap sa computer sa buong araw o sa loob ng walong oras ay may problema sa puso, sa weight at maging sa kanilang blood pressure.
Lumabas din sa pag-aaral na ang mga kalalakihan na naka-upo ng kabuuang 23 hours a week ay 64 percent na mataas ang risk na magkaroon ng heart disease kumpara dun sa 11 hours a week lamang na naka-upo.
Sinasabi din sa isang US Study na kung babawasan daw ng 2 hours ang panonood ng tv maaaring madagdagan ng 1.4 years ang inyong buhay.
Para daw kontrahin ang epekto ng palagiang nakaupo lalo na kung hindi naman maiiwasan – may dalawang bagay na maaaring gawin.
1. Tumayo kada oras at gumalaw.
2. Pagkatapos ng trabaho, magkaroon ng physical activity 30-minutes a day
Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (5:00-6:00am daily), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am), Warrior Angel (Sat&Sun 11:00-12:00nn)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.