Bowling coach at gold medalist, pinatay sa loob ng isang bowling center
Nagluluksa ngayon ang Philippine Bowling Federation o PBF dahil sa pagkasawi ng bowling coach at gold medalist na si Angelo Nathaniel Constantino.
Ang biktima ay binaril sa loob mismo ng isang bowling center sa Greenhills, San Juan City.
Sa mensahe ng PBF sa Facebook, sila’y nakikiramay sa pamilya ni Constantino.
Tiyak anila na mamimiss ng bowling community si Constantino na isang “dedicated coach, athlete and champion.”
Si Constantino ay gold medalist sa 1992 World Youth Championship.
Batay sa pulisya, pinagbabaril ng isang suspek si Constantino, habang nasa loob ng E-Lanes Bowling Center kung saan nagsisilbi siya bilang manager.
Wala pang pagkakakilanlan ang suspek na may kasamang isa pa, pero inaalam na ng mga otoridad ang motibo sa krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.