Malaysia PM, kinondena ang pagpugot ng Abu Sayyaf sa isa nilang citizen

By Jay Dones November 19, 2015 - 04:21 AM

 

Mula sa inquirer.net/The Star Online

Mariing kinondena ni Malaysian Prime Minister Najib Razak ang pagpatay ng bandidong Abu Sayyaf Group sa isa nilang kababayan sa Inadanan, Sulu.

Tinawag na isang ‘savage at barbaric act’ ni PM Najib ang ginawang pagpugot sa ulo ng kidnap victim na si Bernard Then na ilang buwan nang hostage ng bandidong grupo.

“I, the government, and all Malaysians are shocked and sickened by the murder of our countryman Bernard Then, and we condemn it in its strongest terms,” pahayag ni Razak sa isang Facebook post.

Kasabay ng mensahe, nanawagan din ang lider ng Malaysia sa mga otoridad sa Pilipinas na agad na tugunan ang sinapit ng kanilang kababayan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

Si Prime Minister Razak ay nasa bansa ngayon at dumadalo sa APEC summit kasama ang iba pang lider na kasapi ng 21-member economies.

Kahapon, lumutang ang balitang pinatay na ang Malaysian na si Then ng mga Abu Sayyaf matapos umanong mabigong magbayad ng ransom ng kanyang pamilya.

Si Then ay dinukot ng Abu Sayyaf kasama ang isang babaeng negosyante sa isang seafood resort sa Sandakan, Malaysia noong Mayo.

Bago ang pagpatay sa hostage, una nang pinalaya ng mga bandido ang babaeng negosyante matapos makapagbayad umano ng 30 million pesos ang pamilya nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.