Ilang dayuhan, huli sa paglabag sa smoking ban sa Makati

By Jimmy Tamayo January 12, 2019 - 11:29 AM

 

Ilang mga dayuhan ang nahuli dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Makati City.

Naaktuhang naninigarilyo sa mga lugar na may mga “No Smoking” signs gaya sa Valero Acces Road sa Barangay Bel-Air.

May mga nahuli rin sa labas ng bar at restaurant sa Barangay Poblacion.

Ilan sa mga ito ay nakiusap pa sa mga pulis na huwag silang isyuhan ng violation ticket at tinangka pang suhulan ang pulis na nanghuhuli sa kanila.

Ayon sa Makati City Police nasa 30 katao ang naaresto nila gabi-gabi dahil sa paglabag sa smoking ban at karamihan sa mga ito ay mga dayuhan.

Ang lumalabag sa smoking ban ay may katapat na multang P1,000.

 

TAGS: makati city, smoking ban, makati city, smoking ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.