Mga sakay ng isang Royal Carribean cruise ship na tinamaan ng gastrointestinal illness, aabot na sa 500
Halos limang daan na ang bilang ng mga pasahero ng isang Royal Caribbean International cruise ship na tinamaan ng gastrointestinal illness.
Batay sa tagapagsalita ng kumpanyang nagmamay-ari ng Oasis of the Seas, pumalo na sa 475 na katao ang nagkasakit.
Nauna ang kinumpirma ng kumpanya na nagkasakit ang 277 na pasahero nila.
Ayon sa mga pasyente, nagsimula ito makaraang umalis ang ship mula sa Port Canaveral sa Brevard County, Florida noong nakalipas na araw ng Linggo.
Pero may ilang pasahero ang nagsabi na ang outbreak ay “related” umano sa “norovirus” na isang uri ng gastrointestinal illnes na “very contagious.”
Karaniwang nakukuha ito mula sa mga kontaminadong pagkain o tubig, habang ang sintomas ay pagsakit ng tiyan, diarrhea at nausea.
Nangako naman ang pamunuan ng makakatanggap ng refund ang lahat ng mga pasahero ng Oasis of the Seas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.