Orange warning level nakataas pa rin sa ilang lalawigan sa Mindanao
Nakataas pa rin ang orange warning level sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Ito ay dahil sa nararanasang malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan bunsod ng buntot ng Low Pressure Area.
Sa rainfall advisory na inilabas ng PAGASA, alas 4:00 ng hapon, nakataas ang orange warning level sa:
– Agusan del Sur
– Davao Oriental
– Compostela Valley
– Davao del Norte
Ayon sa PAGASA nagbabadya na ang pagbaha sa mga mababang lugar sa nasabing mga lalawigan.
Posible ring makaranas ng landslide sa mga bulubunduking lugar.
Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Misamis Oriental at Bukidnon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.