Paglilitis sa kasong graft ni dating Rizal Gov. Ynares Jr., tuloy ayon sa Sandiganbayan
Tuloy ang paglilitis ng Sandiganbayan sa kasong graft na kinakaharap ni dating Rizal Governor Casimiro ‘Ito’ Ynares Jr.
Ito ay kaugnay sa umano ay pagbili ng overpriced na organic fertilizers ng lalawigan noong 2004 at 2005.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan 3rd Division, ibinasura nito ang mosyon ni Ynares dahil sa kawalan ng merito.
Ibinasura din maging ang apela ng dating assistant department head ng provincial government ng Rizal na si Romulo Arcilla Jr.
Batay sa rekord ng kaso, pumasok sa kontrata sina Ynares at Arcilla sa Feshan Philippines noong Nov. 2004 para sa pagbili ng 1,266 na bote ng organic fertilizers sa halagang P1,500 bawat isa.
Naulit pa ito noong 2005 kung saan bumili muli ng 1,189 na bote ng fertilizer.
Gayunman, wala umanong ginawang bidding para sa pagbili ng mga produkto.
Sinabi rin ng prosecutors ng Office of the Ombudsman na mayroong ibang brand ng naturang fertilizer na mabibili lang ng P176 hanggang P187 lang bawat isang bote.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.