67 na katao huli sa anti-criminality campaign sa Maynila
Dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang aabot sa67 kataona lumàbag sa batas at iba’t ibang ordinansa sa nakalipas na 24-oras.
Isinagawa ang operasyon mula alas 5:00 ng umaga kahapon, rawng Huwebes hanggang alas 5:00 ng umaga kanina (Biyernes, Jan. 11).
Kabilang sa mga nilabag na ordinansa ng mga dinampot ay smoking ban, paglalakad sa kalye na walang saplot na pang-itaas at pag-inom ng alak sa lansangan.
Ayon kay MPD District Director Senior Supt. Vicente Danao, Jr., ang anti-criminality campaign ay nakalatag 24/7 upang suyurin ang lungsod laban sa mga masasamang elemento.
Pinapurihan naman ni Danao ang mga tauhan ng Raxabago Police Station (PS-1) na nasa ilalim ng pamumuno ni Supt. Reynaldo Magdaluyo; mga kagawad ng Moriones Police Station 2 na pinangangasiwaan ni Supt. Dave Mejia; ang Sta. Cruz Police Station (PS-3) sa pangunguna ni Supt. Julius Caesar Domingo; at mga kagawad ng Sampaloc Police Station (PS-4) sa pamumuno ni Supt. Robert Domingo.
Tiniyak ni Danao na pinaigting ang Anti- Criminality Operations upang maging mapayapa at ligtas ang Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.