Pilipinas hindi na bibili ng armas at military equipment sa U.S. ayon kay Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 06:49 AM

Hindi na bibili ng armas at iba pang gamit ng sundalo ang Pilipinas sa Estados Unidos.

Ito ay matapos magbanta ang Amerika na magpapatupad ito ng sanctions sa mga bansang bumibili ng military equiment sa Russia.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Bulacan, binanggit ding dahilan ng pangulo ang ginawang pagharang noon ng isang American senator sa arms deal ng Pilipinas sa Amerika dahil sa isyu ng human rights violations.

Para hindi rin maipit sa sitwasyon, sinabi ng pangulo na hindi na lang din bibili ng armas ang Pilipinas sa Russia at China.

Sa halip sinabi ng pangulo na sa South Korea o Israel na lang kukuha ng armas ang Pilipinas.

Noon lamang nakaraang buwan, inanunsyo ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nasa proseso ang Pilipinas ng pagbili ng 16 na Black Hawk helicopters sa Russia.

Kamakailan bumili din ang Pilipinas ng fighter jets mula sa South Korea, logistic ships mula Indonesia at armored vehicles at ship-borne missiles mula Israel.

TAGS: duterte, military equipment, Russia, US, duterte, military equipment, Russia, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.