Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa; Luzon at ilang bahagi ng Visayas apektado pa rin ng Amihan
Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Huling namataan ang LPA sa 1,295 kilometers East ng Davao City, Davao Del Sur.
Ayon kay PAGASA weather speacialist Loriedin Dela Cruz, maliit naman ang tsansa na magiging bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 24 na oras.
Gayunman, apektado na ng buntot ng LPA ang CARAGA Region, ilang bahagi ng Davao Region at ang malaking bahagi ng Northern Mindanao.
Sa susunod na mga oras maaapektuhan na rin ng trough ng LPA ang Eastern Visayas at Central Visayas.
Ang nasabing mga lugar ay maaring makaranas ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.
Samantala, ang buong Luzon naman at ang iba pang bahagi ng Visayas ay apektado pa rin ng Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.