Mga pari hinamong pasinungalingan ang ‘Altar of Secrets’; Duterte handang magpapako sa Krus

By Rhommel Balasbas January 11, 2019 - 04:41 AM

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaparian na pabulaanan ang mga nilalaman ng librong ‘Altar of Secrets’.

Ang naturang libro na isinulat ni Aries Rufo ay naglalaman ng mga umano’y kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga obispo at pari ng Simbahang Katolika.

Sa talumpati sa groundbreaking ng Gregorio del Pilar National High School sa Bulacan, sinabi ni Duterte na kapag napatunayan ng mga pari na may laman ang libro na kahit isang maling bagay ay handa siyang magpapako sa Krus sa Semana Santa.

“Kung masagot nila ito at sabihin nila na may isang bagay dito na mali, abangan niyo ang Holy Week, dito ako magpalansang (magpapako) sa krus sa Bulacan. Oo. Totoo,” ani Duterte.

Umani ng katatawanan ang hamon ng presidente sa kaparian.

Giit ni Duterte, kayang-kaya niyang magpapako sa krus basta’t hindi tatagal o hanggang mga 30 minuto lamang.

Kapalit anya nito ay itama ng kaparian ang nilalaman ng libro at ihayag ang katotohanan.

“Pero huwag naman matagal. Siguro 30 minutos na naka(pako). Kaya ko man ‘yan. Walang yabang,” he added. “As a matter of principle, sige gawin ko. But you correct this. Tell us the truth, kasi kami we had no choice. When I was born, Katoliko tatay at nanay ko,” dagdag ni Duterte.

Makailang beses nang ibinida ni Duterte ang libro kasabay ng pambabatikos sa Simbahang Katolika dahil sa mga pahayag nito laban sa giyera kontra droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.