Sotto: Honasan pwedeng mailipat sa ibang pwesto maliban sa DICT
Posibleng sa ibang posisyon sa pamahalaan maitalaga si Sen. Gringo Honasan makaraan siyang ma-bypassed ng makapangyarihang Commission on Appointments.
Reaksyon ito ni Senate President Vicente Sotto III makaraang hindi makalusot sa CA si Honasan noong nakalipas na buwan bago ang Christmas break ng Senado.
Si Honasan ay itinalaga ng pangulo na pamunuan ang Department of Informationa and Communication Technology (DICT).
Ayaw naman sabihin ni Sotto ang dahilan kung bakit na-bypassed ang appointment ni Honasan sa nasabing kagawaran.
Nauna dito ay sinabi ni Sotto na magiging prayoridad nila ngayon bago ang pagtatapos ng sesyon ay ang pagtalakay at pag-apruba sa pambansang pondo para sa kasalukuyang taon.
Dahil na-bypassed, pinayuhan ng pinuno ng Senado ang Malacañang na dapat ay ire-appoint ng pangulo si Honasan sa DICT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.