Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2019 - 06:28 AM

WESTMINCOM Photo

Sumuko ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group halos isang buwan matapos na sumuko din sa mga otoridad ang dalaw aniyang anak.

Kinilala ang bandido na si Abdulbaki Boyohan, 53 anyos na sumuko kay Lt. Col.. Ronaldo Mateo, commanding officer ng 32nd Infantry Battalion sa Camp Bud Datu, Indanan, Sulu.

Si Boyohan ay tagasunod ni Idang Susukan, at ama nina Ban Baki Rajili at Padi Kali na kapwa sumuko sa mga otortidad noong bago mag-Pasko.

Nakuha kay Boyohan ang M79 Grenade launcher at mga bala.

Umaasa naman si Lt. Gen. Arnel Dela Vega, commander ng Western Mindanao Command na sa pagsuko ng mag-aama ay mas marami pang bandido ang magbabalik loob sa pamahalaan.

TAGS: Abu Sayyaf, Radyo Inquirer, Sulu, Abu Sayyaf, Radyo Inquirer, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.