Cloud clusters binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao
Patuloy na naaapektuhan ng amihan ang buong Luzon at Visayas.
Ayon sa PAGASA dahil sa amihan, ang buong Luzon kasama na ang Metro Manila at ang maging ang kabuuan ng Visayas.
Sa Mindanao naman, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroon lamang isolated na mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Mayroon namang cloud clusters na binabantayan ang PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ang cloud clusters na ito ay maaring makaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao sa susunod na mga araw.
Nakataas naman ang gale warning sa mga baybayin ng Catanduanes, Sorosogon, northern at eastern Samar sa Eastern Visayas at sa Siargao, Dinagat Island at sa Eastern Coast ng Surigao Provinces.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.