Co-founder ng isang porn site sa SoKor, hinatulang guilty ng korte

By Isa Avendaño-Umali January 10, 2019 - 12:04 AM

Sinintensyahan ng apat na taong pagkakabilanggo ang co-founder ng isa sa pinakamalaking pornography websites sa South Korea.

Ang babae, na may apelyidong “Song”, ay hinatulang guilty sa pagkakasangkot nito sa pagpapakalat ng mga obscene material sa pamamagitan ng porn site na Soranet.

Maliban naman sa pagkakabilanggo, si Song ay pinagmumulta ng $1.25 million at pinadadalo sa 80 hours na sexual violence prevention education.

Si Song at mister nito, kasama ang dalawang iba pa, ang nagpatakbo ng Soranet mula 1999 hanggang 2016.

Ang Soranet ay ipinasara na dahil sa kabi-kabilang protesta, lalo na ng mga women’s groups.

Marami sa mga video sa porn site ay mula sa kuha ng spy cameras at ipinakalat nang walang pahintulot ng mga biktima, na pawang mga kababaihan.

Ang pornography ay ilegal sa SoKor. Gayunman, patuloy na kumakalat ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.