Mga bata at sanggol dinala pa rin ng mga deboto sa Traslacion sa kabila ng paalala ng mga awtoridad

By Rhommel Balasbas January 10, 2019 - 02:16 AM

Marami pa ring mga deboto ang nagdala ng kanilang mga maliliit na anak sa Traslacion ngayong taon sa kabila ng paalala ng mga awtoridad.

Matatandaang makailang beses na hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga deboto na huwag dalhin ang mga bata dahil sa panganib ng pagdiriwang.

Karamihan sa malilit na bata at sanggol ay ipinasan sa mga balikat ng mga nakatatanda.

Sa katunayan, maging si Msgr. Josefino Ramirez ay aminado na maraming bata sa pagdiriwang ngayong taon.

Sa kanyang homilya para sa alas-7:00 na misa, sinabi ng pari na dapat ipamana sa kabataan ang debosyon sa Nazareno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.