Mga pulis binalaan ni Albayalde sa pag-inom sa mga pampublikong lugar

By Len Montaño January 10, 2019 - 12:10 AM

Binalaan ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde ang mga pulis na huwag uminom sa mga pampublikong lugar gaya ng mga bar.

Paalala ito ni Albayalde matapos utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo na iwasang uminom sa mga bar dahil nasasangkot sa gulo ang lasing na otoridad.

Ayon sa PNP chief, mayroon ng ilang direktiba ukol dito at paulit ulit na sinasabihan ang mga pulis na bawal uminom sa mga bar.

Bilang paalala ay muling naglabas ang PNP direktiba na bawal mag-inom sa labas at bawal din ang magsugal ang kanilang mga miyembro.

Ang mahuhuli anyang pulis ay sasampahan ng kasong administratibo at mahaharap sa suspensyon.

Sa kanyang talumpati sa Pasay City noong Martes ay sinabihan ng Pangulo na ibabawal niya ang pagpasok ng mga pulis sa bar gaya ng ginawa niya sa Davao City noong siya ang Mayor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.