Poong Itim na Nazareno, nakabalik na sa Quiapo Church makalipas ang higit 21 oras
(UPDATE) Matapos ang higit 21 oras ay nakabalik na ang Poong Itim na Nazareno sa Basilika ng Quiapo.
Eksakto alas-2:21 ng madaling araw ay naipasok na ang andas sa gate ng Quiapo Church.
Matatandaang alas-5:08 kahapon nang magsimula ang Traslacion mula sa Quirino Granstand.
Tulad ng karaniwang nangyayari, sumalubong sa andas ang dagat ng mga deboto sa Plaza Miranda na nagpabagal para maipasok ito sa simbahan.
Nakatulong naman ang human barricade na ginawa ng mga pulis para tuloy-tuloy ang pagpasok ng imahen.
Kinailangang iatras-abante ang andas ng poon bago tuluyang maipasok sa trangkahan ng Quiapo Church.
Kaninang hatinggabi, umabot sa higit isang milyong deboto ang nakibahagi sa Traslacion ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Noong nakaraang taon, pasado alas-3:00 na nang maipasok ang andas sa simbahan kaya’t mas mabilis ang Traslacion ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.