DILG employee inaresto dahil sa bomb joke sa event na dinaluhan ni Duterte
Inaresto ang isang empleyado ng Department of Interior and Local Government dahil nagbiro umano ito tungkol sa bomba bago ang isang event na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pabiro umanong sinabihan ni DILG operations officer Elsie Castillo ang dalawang pulis na inspeksyuning mabuti ang kanyang bag dahil may laman itong bomba.
Nangyari ito bago ang pagdating ni Duterte sa Cuneta Astrodome para sa Barangay Summit on Peace and Order.
Dahil sa bomb joke ay hinuli si Castillo at iniimbestigahan.
Kahapon ay maayos na naidaos ang nasabing event sa loob ng Cunete Astrodome.
Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727, ang taong nagbiro ukol sa bomba ay pwedeng makulong hanggang 5 taon at magmulta ng P40,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.