World leaders dapat magka-isa sa paglaban sa terorismo ayon sa CBCP
Hinimok ng isang lider ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga lider ng iba’t-ibang mga bansa na magkaisa para labanan ang terorismo.
Pahayag ito ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People bilang reaksiyon sa pinakahuling paghahasik ng karahasan ng grupong ISIS sa Paris France kung saan pawang mga inosenteng sibilyan ang namatay.
Kaugnay nito sinabi ng Obispo na ang nangyari sa Paris France ay napakalungkot at napakapait na karanasan hindi lamang ng mga taga-doon kundi maging ng buong mundo.
Sinabi ni Bishop Santos na nasaktan at labis na nasugatan ang buong mundo.
Pahayag ng Obispo, walang budhi, walang puso, walang moralidad at panganib sa kapayapaan, karapatan at karangalan ng lahat ang mga teroristang ito.
At bilang tulong ng mga Filipino sa pangyayari dapat aniyang manalangin at ialay ito sa mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.