Luzon at Visayas, apektado pa rin ng Amihan

By Rhommel Balasbas January 09, 2019 - 05:03 AM

Walang namamataang sama ng panahon ang PAGASA sa loob ng bansa sa kasalukuyan.

Sa 4am update ng ahensya, tanging hanging Amihan pa rin ang weather system na nakakaapekto sa bansa.

Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan ang Luzon kabilang na ang Metro Manila at ang buong Visayas.

Maganda naman ang panahon sa Mindanao na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybaying dagat ng extreme northern Luzon at ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.