34 na bahay natupok ng apoy sa Davao City; 2 sugatan

By Rhommel Balasbas January 09, 2019 - 01:59 AM

Dalawa ang sugatan makaraang matupok ng apoy ang 34 na bahay sa Toril district, Davao City, hapon ng Martes.

Ayon kay Davao City fire marshal Chief Insp. Virnalita Silagan, nagtamo ng first degree burns sa kamay ang biktimang si Dante Tubig, habang sugatan naman sa kaliwang binti si Jessie Garcia.

Nagsimula ang sunog alas-12:52 ayon kay Silagan.

Lumalabas anya sa kanilang imbestigasyon na nagliyab ang isang napabayaang cooking stove sa bahay ni Tubig.

Agad na kumalat ang apoy at tinupok ang 34 bahay na pawang gawa sa mga light materials.

Mabilis namang naapula ng mga bumbero ang sunog alas-2:50 ng hapon.

Ayon kay Silagan, umabot sa P400,000 ang halaga ng ari-arian na natupok ng apoy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.