95,000 deboto ng Itim na Nazareno nagtipon sa Quirino Grandstand
Nasa 95,000 ang deboto ng Itim na Nazareno ang nagtipon-tipon sa Quirino Grandstand kaninang hatinggabi ayon sa Manila Police District.
Dumalo ang mga deboto sa misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at maging sa tradisyonal na ‘Pahalik’.
Ayon sa pulisya, bagaman napakarami ng tao, mapayapa naman sa ngayon ang sitwasyon sa Pahalik.
Kabuuang 548 na pulisya mula sa MPD ang ipinakalat sa Grandstand kasama ang 849 na personnel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kaninang hatinggabi ay umabot naman sa 1,000 ang deboto sa Quiapo Church.
Mayroong 393 pulis at 37 sundalo naman ang nakakalat sa paligid ng simbahan para tiyakin ang seguridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.