MMDA, pinagmulta ang contractor ng MRT-7

By Len Montaño January 08, 2019 - 09:55 PM

Pinagmulta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang contractor ng Metro Rail Transit 7 dahil sa excavation works sa Quezon City na nagresulta sa matinding trapik.

Bigo ang contractor na EEI Corporation na makipag-ugnayan sa mga otoridad ukol sa ginawang pagbubungkal sa kanto ng Elliptical Road at Quezon Avenue.

Ayon kay MMDA Asst. General Manager Roberto Almadin, pinagmulta ang EEI Corporation ng P25,000.

Bukod sa multa, inutos din ng MMDA na agad itigil ng contractor ang mga aktibidad nito sa kanilang project site.

Inutusan din ang EEI na magpadala ng mga kinatawan sa ahensya sa loob ng 24 oras matapos matanggap ang utos.

Ang MRT 7 project, na bahagi ng P8 trillion infrastructure program ng gobyerno, ay inaasahang matatapos sa huling bahagi ng 2019.

Ang 22 kilometrong rail system ay mayroong 14 stations mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan.

TAGS: eei, mmda, MRT 7, eei, mmda, MRT 7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.